TIP #01


TIP FOR THE DAY 5/21/17


Ask: Maam ano po coins ang maganda bilhin? At dapat alagaan? Maganda ang magiging profit? Mabilis tataas?


Me: Nasa Crypto Trading po tayo. Alamin po natin ang Law of Supply and Demand. At ang pagtaas at pagbaba ng value ng kada coin. Basic things to note.


1. Magandang bilhin na coins at the moment na kakasign up nyo palang ay yung mababa palang, pero mataas na ang volume ng mga bumibili. Makikita nyo po sa Live Trading sa Markets sa Poloniex dun sa Top 10-20 kung anong percentage yung mataas na color green palagi.

Ang ibig sabihin ng green or positive sign ay maraming bumibili or may bumibili ng coins at the moment. Ang ibig sabihin ng red or negative sign ay may nagsesell ng specific coins nila.


2. Alagaan nyo yung coins nyo na nabiling mura kasi lahat yan, kung nakita nyo patuloy ang pagtaas, may future kayo dyan na malaki ang maging profit nyo. Every coin na nabiling mura like 30cents na nabili nyo kada isa, pagdating ng araw na nasa piso na halaga nyan, napakalaki na ng profit nyo.


For example: Nabili nyo si DGB ng 43cents at the moment at may 10,000 quantity of DGB kayo, wag ma-excite na tumaas lng ng 5cents benta nyo agad, NO. Ugaliin natin na maghintay pa ng tamang pagkakataon, magtiis at wag maging addict na sell agad ang coins. Kasi di nyo alam tataas pa yan lalo. Paabutin nyo ng Php1, or Php10 or, Php100 or, Php1000.


Imagine kung may 10,000 dgb ka x 1000php = 10,000,000 yan!!


Oh diba, saan kayo makakakita na 10M nyo kundi dyan lang.

Ayan ay kung marunong kayo maghintay, magtiis at save for the future. Makakaya nyo yan hintayin.


Hindi naman imposible, tingnan nyo best example is BTC, dati ang price is $.08cents, ngayon ay $2000 na ang isa.


Next example is ETH or Ethereum, last year si Eth ay 30-50php lang ang isa, ngayon is Php 4,000 na ang isa.


Kung mag iinvest man kayo, make sure wag agad agad decide na magsell, kasi sayang yung bawat minuto na pwedeng tumaas pa ng tumaas ang profit nyo.


Just like Sir Williams told to me sa Finance Class sa UPLB,

"You cannot bring back the value of what happened yesterday, manghihinayang ka na lang pag nakita mo tumaas na pala ang price nya"


Lalo na sa stocks or here in crypto trading na ginagawa natin.


Yung mahalaga kasi dito yung nangyari kahapon, mababa ang price nya, ngayon mataas na ang price nya, bumaba man ang price pero konti na lang binababa nya, patuloy pa rin ang pagtaas, eh wala na, konti na lang na quantity ang nabili nyo coins, sayang yung naging value kahapon. Ganun lang po.


Sana may natutunan kahit konti sa tips. 😘😘😘


M.AJA

15 views0 comments

Recent Posts

See All

TIP #03

TIP #02